Baltazar iniligtas ang Bullpups; Ildefonso nagbida sa Blue Eaglets

MANILA, Philippines – Isinalpak ni Justine Bal­tazar ang isang buzzer-beating tip-in para iligtas ang National University laban sa Adamson University, 68-66, sa UAAP Season 78 juniors basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Arena.

Kumamada si John Lloyd Clemente ng 20 points ngunit ang game-win­ner ni Baltazar ang si­yang nagpanalo sa Bull­pups.

Dumiretso ang NU sa kanilang pang-siyam na sunod na arangkada para pangunahan ang elimination round.

Nagdagdag si Rhayan Amsali ng 15 points at 8 rebounds, habang tumapos si Baltazar na may 12 points at 9 boards para sa Bullpups.

Samantala, umiskor si Aljun Melecio ng  17 mar­­kers para tulungan ang De La Salle-Zobel sa 78-52 paggupo sa University of Santo Tomas.

Pinataob ng nagdedepensang Ateneo ang UP Integrated School, 75-67, sa likod ng 17 points ni Shaun Ildefonso, anak ni two-time PBA MVP Dan­ny Ildefonso.

Umangat ang Junior Archers sa 7-2 mark kasunod ang Blue Eaglets (6-3).

Nagtala si Kenji Roman ng 17 points at 13 re­bounds sa 93-79 panalo ng Far Eastern University-Diliman kontra sa University of the East.

Nagtabla ang Baby Ta­maraws at Baby Falcons sa 5-3 baraha sa itaas ng Tiger Cubs (3-6), Junior Maroons (1-8) at Junior Warriors (0-9).

Show comments