^

PM Sports

Pacquiao-Bradley magkikita na uli

Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling magkukrus ang landas nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa susunod na linggo sa pagdaraos ng press conferences sa Los Angeles at New York para paingayin ang kanilang April 9 rubber match.

Ito ang magiging pinakahuling laban ni Pacquiao at ang two-leg press tour ang magsisilbi niyang farewell tour. Nakatakdang magtungo si Pacquiao sa US sa Lunes.

Sa Enero 19 ay magkikita sina Pacquiao at Bradley sa Crystal Ballroom ng sikat na Beverly Hills Hotel sa Sunset Blvd. sa California kung saan magtitipon ang mediamen.

Kinabukasan ay sasakay naman si Pacquiao at ang kanyang entourage sa isang commercial flight patungo sa New York para sa ikalawang press conference sa Enero 21 sa makasaysayang Madison Square Garden.

Inaasahang pauulanan si Pacquiao ng mga tanong ukol sa ikatlo niyang pagsagupa kay Bradley at ang plano niyang pagreretiro matapos ang 20 taon sa boxing.

Posible ring lumitaw ang pangalan ni Floyd Mayweather Jr. na tumalo kay Pacquiao noong Mayo 2.

Makakasama sa press tour ay ang trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach at ang trainer ni Bradley na si Teddy Atlas bukod pa kay promoter Bob Arum.

Sinabi ni Arum na may sapat pang panahon para pumukaw ng atensyon ng mga boxing fans para panoorin ang trilogy.

“We have more than enough time,” wika ni American promoter.

Matapos ang press tour ay maghihiwalay sina Pacquiao at Bradley para paghandaan ang kanilang WBO welterweight title fight.

“Manny will begin training in part in the Philippines and then in Los Angeles. That’s what he wants to do and that’s fine with me,” sabi ni Arum.

vuukle comment

ANG

BEVERLY HILLS HOTEL

BOB ARUM

BRADLEY

CRYSTAL BALLROOM

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

LOS ANGELES

MADISON SQUARE GARDEN

NEW YORK

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with