DENVER -- Tumapos si Danilo Gallinari na may 28 points at nalampasan ng Denver Nuggets ang 38-point performance ni Stephen Curry para ipalasap sa Golden State Warriors ang ikatlong kabiguan nito sa season sa bisa ng 112-110 panalo.
Nasira ang seven game winning streak ng defending NBA champion na Warriors (36-3) matapos matalo sa Dallas Mavericks, 114-91 noong Dec. 30.
Nagdagdag naman si Will Barton ng 21 points para sa Nuggets, tinapos ang a four-game losing skid sa Warriors, habang may 18 si Gary Harris.
Tumipa si Harrison Barnes ng 18 points kasunod ang 17 ni Klay Thompson para sa Warriors.
Umiskor ang Denver ng 19 points kumpara sa lima ng Golden State sa huling 5 1/2 minuto ng third quarter para ilista ang 10-point lead papasok sa fourth quarter. Kumamada si Curry ng 20 points sa final period.
Sa Oklahoma City, kumolekta si Kevin Durant ng 29 points at 10 rebounds at sinamantala ng Thunder ang pagpapaupo ng Dallas Mavericks sa kanilang mga starters para kunin ang 108-89 panalo.
Nasibak si Thunder star Russell Westbrook sa second quarter matapos makuha ang ikalawang technical foul nang makipaggirian kay J.J. Barea.
Hindi nakaiskor si Westbrook.
Naglaro naman ang Mavericks sa ikalawang sunod na gabi makaraan ang overtime loss sa Cleveland at mas pinili ni coach Rick Carlisle na ipahinga ang kanyang mga regular starters na sina Dirk Nowitzki, Wesley Matthews, Chandler Parsons, Deron Williams at Zaza Pachulia.
Sa Boston, umiskor si Isaiah Thomas ng 28 points habang dinuplika ni Jae Crowder ang kanyang career high na 25 points para wakasan ng Celtics ang kanilang four-game losing slump sa 103-94 paggupo sa Indiana Pacers.
Nagtala si Amir Johnson ng season-high na 18 rebounds at naglista ng 14 points para sa Celtics, tinalo ang Pacers sa unang pagkakataon ngayong season matapos ang 0-2 record.
Kumamada si Paul George ng 23 points para sa Indiana kasunod ang 13 ni George Hill.
Sa New York, kumolekta si Brook Lopez ng 20 points habang naglista si Thaddeus Young ng 19 points at 11 rebounds para tulungan ang Brooklyn Nets na tapusin ang kanilang 10-game home losing skid sa 110-104 panalo sa Knicks.
Pinigilan din ng Nets ang kanilang five-game overall skid sa una nilang panalo sa ilalim ni interim coach Tony Brown, pumalit kay coach Lionel Hollins.