^

PM Sports

9 atleta sa Brazil Paralympics target ng PhilSpada

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hangad ng Philippine Sports for the Differently Abled-NPC Philippines na makapagpadala ng siyam na atleta para sa 2016 Paralympics sa Brazil.

“Last time in London, we had nine athletes in four sports. We’re hoping to send at least the same number of athletes to Rio in hopefully five sports,” sabi ni Philspada-NPC executive director Dennis Esta.

Sa kasalukuyan, apat na Pinoy bets na ang tiyak nang maglalaro sa Rio Olympics.

Ito ay sina Ernie Gawilan sa swimming, Andy Avellana at Jerrold Mangliwan sa athletics at Josephine Medina sa table tennis.

Labing anim pang atleta ang magtatangkang makapasa sa qualifying meets sa mga susunod na buwan.

Nakamit nina Gawilan (400-meter at 100-meter freestyle men’s S8), Avellana (high jump men’s F42/44) at Mangliwan (T52 wheelchair racing) ang qualifying standard sa kanilang mga events noong 2015 Asean Para Games sa Singapore.

Si Medina, fourth placer sa individual C8 event noong London Games ay nakakolekta naman ng sapat na puntos para muling makalaro sa Paralympics.

“There’s no formal confirmation yet but we were told they have already qualified,” wika ni Esta.

Asam din ni powerlifter Adeline Ancheta, bronze medalist sa Sydney Olympics, na muling makasali sa Paralympics sa kanyang pagsabak sa Powerlifting World Cup sa Pebrero sa Kuala Lumpur kasama sina London veterans Achele Guion at Agustin Ditan.

“According to the IPC Powerlifting, Adeline has a strong chance of qualifying in the +86 kg category; she just needs to perform in Kuala Lumpur,” wika ni Esta.

Walong atleta ang susubukang makakuha ng Rio berths sa qualifying tourney sa China sa April, habang apat na swimmers ang lalahok sa Europe sa May.

Balak ng Philspada na humingi ng wild card berth para kay Arthus Bucay sa cycling. (OL)

ACHELE GUION

ACIRC

ADELINE ANCHETA

AGUSTIN DITAN

ANDY AVELLANA

ARTHUS BUCAY

ASEAN PARA GAMES

DENNIS ESTA

DIFFERENTLY ABLED

KUALA LUMPUR

PARALYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with