^

PM Sports

Pinas magho-host ba ng 2019 SEA Games?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang resulta ng eleksiyon sa Mayo ay may direktang epekto kung magho-host o hindi ang Pinas ng  2019 Southeast Asian Games.

Umaasa si Philippine Olympic Committee vice president Jose Romasanta na kung sinumang mananalong presidente ay magbibigay ng importansiya sa  sports.

“If the next President sees the real value in sports as a tool for nation-building then sports will be given more priority,” ani Romasanta.  “Sports has always been a unifying factor.”

Nagpahayag na ang Philippine Olympic Committee na pinamumunuan ni Jose Cojuangco ng matin-ding interes na mag-host ng 2019 SEA Games matapos umatras ang Brunei na maging punung-abala ng biennial event.

Ipinaalam na ng POC sa SEA Games Federation ang intensiyong mag-host ng SEA Games sa ikaapat na pagkakataon matapos idaos dito sa bansa noong 1981, 1991 at 2005.

“But right now everything is still up in the air,” ani Romasanta.

Dahil malapit na ang halalan, ang lahat ay naka-focus dito at pagsapit ng eleksiyon, titigil ang lahat.

“It will all depend on the elections and the next President. We will need the government guarantee re-cognizing that the SEA Games will be held here,” sabi pa ni Romasanta.

Papasok ang iba pang government agencies mula sa Department of Interior and Local Government, Philippine National Police, Department of Tourism at maging ang Health Department sa pagdaraos ng SEA Games.

Noong 2005, pinangunahan ni First Gentleman Jose Arroyo ang hosting ng Pinas ng SEA Games.

Habang inasikaso ng POC at Philippine Sports Commission ang pangangasiwa nito, siniguro ng First Gentleman na may sapat na pondo para sa matagum-pay na pagdaraos nito. Siniguro ni Arroyo na may pondo para sa training ng mga national athletes at nakopo ng Philippines ang overall crown sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng SEAG. (AC)

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF TOURISM

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN JOSE ARROYO

GAMES

GAMES FEDERATION

HEALTH DEPARTMENT

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

ROMASANTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with