MANILA, Philippines – Matiwasay na nakapagdaos ng karera ang Metro Turf Club, Batangas nitong Lunes ng gabi nang maa-yos na gumana ang mga betting machines bagama’t hindi pa ito ‘full blast’ na nakapag-operate dahil na rin sa naipakitang sales sa bawat karera.
Sa walong karera naihanda ng handicapping section ay dalawa lang ang masasabing nanalong paborito. Ang anim na iba pa ay pawang matitinding dehado na pumabor naman sa ilang nagsipanalo sa exotic bettings tulad ng winner take all at pick six.
Siguradong masaya at maligaya ang apat na winners ng take all na kumubra ng P494,052.80 bawat ticket na panalo. Sa pick six naman ay nagdiwang rin sa tuwa ang dalawang nagsitama ng tig-P308,468.
Sa unang karera na may carry over na P12,234.89 ang quartet ay may nakasungkit sa kumbinasyong 8-3-5-1 na binuo ng Clan Leader, Freaky, Bebot at Grein Lexter. Nag-umento ito ng P1,447.40 bawat ticket.
Ang pentafecta na may P6,324.48 carry over ay tinamaan rin sa mas malaking dibidendong P27,824.20 nang dumagdag ang kabayong Chuchinelli sa ikalimang puwesto.
Sa MMTCI Special race-19 ay nagkaroon uli ng panibagong carry over sa pentafecta na umabot sa P31.811.62 dahil walang tumama sa kumbinasyong 4-1-5-8-7 sa mga kabayong binuo ng Janz Music, Good Son Carlo, Umbrella Girl, Galing From Afar at Del’s Favorite.
Muling nagkaroon ng double carry over sa penta-fecta na umabot sa P97,028.20 dahil wala ring nanalo sa kumbinasyong 6-1-7-5-3 sa mga kabayong binuo ng Don Anton, Magnitude Eight, Pearl Bull, Magic Square at Ranagant.
Sa MMTCI special race-13 ay muling pinag-agawan ang pentafecta carry over pero may nagwagi sa kumbinasyong 6-7-3-4-5 na binuo ng dehadong Boudi Husson, Clandestine, Top Meat, Joy Joy Joy at Buenos Aires at P114.255.40 ang siyang dibidendo rito.
Wala namang nagwagi sa quartet kaya may panibagong carry over naman na P29,311.64 rito.
Sa kasunod na karera ay tinamaan na ng ba-yang karerista ang quartet combine na 8-6-2-4 at nagkaroon ito ng P390.80 balik tama sa mga nagsipanalong tickets.
Sa huling karera ay may panibago na namang P14,804.21 carry over sa pentafecta dahil walang nakasungkit ng combination na 5-2-8-4-7 ng mga kabayong sinamahan ng Persian Princess, Wise Decision, Gentle Soul, Batong Silyar at Love A Belle.
Ang dalawang paboritong nagwagi sa buong gabi ay ang Royal Kapupu ni R.G. Fernandez at Here And Beyond ni Y.L. Bautista. (JM)