MANILA, Philippines – Nagpamalas si Gretchel Soltones ng pang-MVP na performance nang pabagsakin ng San Sebastian College ang St. Benilde, 25-20, 22-25, 25-17, 25-18 para kumpletuhin ang sweep upang makasiguro ng awtomatikong finals slot sa 91st NCAA women’s volleyball tournament na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City.
Umiskor ang mala-kas na pumalong si Soltones ng match-best na 32 hits, kabilang ang 24 na kasama ang anim na aces bukod pa sa 2-blocks para sa Lady Stags na naka-sweep ng one-round elims na nagsulong sa kanila diretso sa finals para sa mala-king 1-0 bentahe sa best-of-five series.
Paglalabanan ng defending champion Arellano U (8-1), Perpetual Help (7-2) at St. Benilde (6-3) ang huling finals slot sa stepladder semis.
“We just want to make history and make the school proud,” sabi ni San Sebastian coach Roger Gorayeb.
Nauna rito, inilampaso ng Perpetual Help ang Letran, 25-12, 25-23, 25-21 para sa 7-2 slate.
Sa men’s division, pinabagsak ng Perpetual Help ang Letran, 25-15, 25-22, 25-18 upang isel-yo ang twice-to-beat advantage sa semifinals.
Nagtulong sina team captain Bonjomar Castel at Rey Taneo, Jr. para sa 22 hits nang iposte ng Altas ang kanilang ikawalong panalo sa siyam na laro para magsalo sa liderato kasama ang defending champion na Emilio Aguinaldo Ge-nerals sa 8-1 panalo-talo.
Ang Las Piñas-based school at ang EAC ay magsasagupa sa playoff bukas kung saan ang mananalo ay sasagupa sa No. 4 seed na alinman sa San Beda Lions at Arellano U Chiefs na maaglalaban sa knockout duel makaraang magtapos na may 5-4 win-loss slate.
Ang matatalo ay magkakasya lamang sa No. 2 seeding at haharap sa St. Benilde, na sigurado na sa No. 3 ranking kahit ano pa ang maging resulta ng kanilang hu-ling laro kontra sa San Sebastian.
Sinabi ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar na nais nilang makaganti sa 20-25, 22-25, 17-25 pagkatalo sa EAC na sumira sa kanilang planong one-round elimination para sa outright finals berth.
Pinadapa naman ng reigning juniors titlist Perpetual Help ang Letran, 25-14, 25-14, 25-21 upang isaayos ang playoff para sa No. 1 seeding kontra sa EAC matapos magtabla sa No. 1 bunga ng magkatulad na 6-1 marks.
Nagpakawala sina Ivan Encila ng 13 hits, 12 nito ay spikes habang si Conrad Ryuji Etorma at team captain Jody Margaux Pascual ay may 11 at 10 hits, ayon sa pagkakasunod para sa Junior Altas.
Ang mananalo sa Perpetual-EAC playoff ay haharap sa Lyceum of the Philippines U o San Sebastian habang ang matatalo ay sasagupa sa No. 3 Arellano U sa Final Four. (JV)