MANILA, Philippines – Pinabibilis ng Philippine Sports Commission ang pagpirma ng bagong kasunduan sa mga sangay ng military para matiyak ang pagsasanay ng mga enlisted personnel na mi-yembro ng Team Philippines bilang paghahanda sa mga international meets.
Kabuuang 113 athletes at coaches na nasa military ang kabilang sa national team at manga-ngailangan ng detailed service (DS) order mula sa kanilang mga pinuno para mapayagan silang makapagsanay sa Team Philippines.
“The PSC wants to have the Memorandum of Agreement signed before the end of the month, so as not to delay and hamper the athletes and coaches in their preparation and training while trying to qualify for the Rio Olympics,” sabi ni PSC chairman Richie Garcia.
Malapit nang mapaso ang MOA sa pagitan ng PSC at AFP.
Kapag walang DS order, maaaring hugutin ang mga military athletes at coaches mula sa training sa Rizal Memorial Sports Complex at sa iba pang training hubs.
Nakausap na kahapon ni Garcia sina Assistant Chief, SPS, AFP, LTC Luciano M. Calman Jr. (FA) Army, Chief Admin, SPS, AFP LTC. Roy D Mendoza Jr. (CAV) PA, AFP-PSC Liaison NCO TSG. Tomas R. Sevilla, PN (M), Chief Civilian Supervisor, SPS, AFP; Pinay S. Listana at SSG. Roy Dela Cruz, PAF, Admin. SPS, AFP para talakayin ang DS order ng mga mi-litary athletes at coaches.
Kumpiyansa si Garcia na mapaplantsa ang bagong kasunduan sa pagitan ng PSC at AFP.
“They requested for proper procedure in issuing detailed service to the athletes as well as proper monitoring of the military athletes and coaches during training, in competition and after the tournament,” wika ni PSC executive director Guillermo Iroy, Jr. na nakasama ni Garcia sa naturang pulong.