Malabong magkasundo ang PSC at Clark
MANILA, Philippines – Sinabi kahapon ni Clark International Airport Corp. (CIAC) president/CEO Atty. Emigdio Tanjuatco III na mahirap nang magkaroon sila ng kasunduan ng PSC para sa pagrenta sa 50-hectare property na gagamiting training center ng mga atleta sa Freeport Zone aviation complex bago ang May elections.
“We’ve got six more months before the change of administration,” wika ni Tanjuatco, ang amang si Atty. Emigdio, Jr. ay dating nagsilbing POC legal counsel, hinggil sa inaasahang pagbabago sa CIAC Board sa pagkakahirang sa papalit kay Pangulong Noynoy Aquino III.
“It’s possible that we may defer finalizing the negotiations until the new Board of the CIAC is appointed by the next President. Of course, if we’re able to work out an agreement that is mutually beneficial to the PSC and CIAC, I think it won’t be a problem with the new Board. We just don’t want to burden the new Board with a problem. At this point, the CIAC isn’t making money. If we lease the property to the PSC under terms less than what we would otherwise charge, we will definitely be cited by COA. There will also be market reaction to an agreement with soft terms,” dagdag pa nito.
Matapos mailuklok sa CIAC noong Oktubre ng 2014 ay tinanong si Tanjuatco ni POC president Jose Cojuangco, Jr. kung mayroon silang lupain sa Freeport Zone na puwedeng maging training center ng mga atleta. Nagsagawa ang CIAC at POC ng ocular inspection sa posibleng lugar ng training center kasunod ang ilang pag-uusap.
Noong nakarang buwan ay dumalo sina Cojuangco at PSC chairman Richie Garcia sa CIAC Board meeting para talakayin ang pagkakaroon ng sports hub sa aviation complex.
Ayon kay Tanjuatco, hindi sila makakapayag sa panukalang rentang P150,000 bawat taon ng PSC.
“So based on that representation, we couldn’t agree on a token lease payment of P150,000 a year and instead, suggested P150,000 a hectare or P7.5 Million a year. We were careful to come up with terms that we could justify to COA and the CIAC Board,” wika ni Tanjuatco
Pinalitan ng PSC ang kanilang plano at ito ay ang pagtatayo ng training center na walang pagkakakitaan.
“We are now evaluating the change of plans,” ani Tanjuatco. “As we understand it, the training center will be strictly for the athletes’ use and it will not be money-making. ” (QH)
- Latest