MANILA, Philippines – Paborito pa ring manalo si Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley Jr. anuman ang ipakita ng record book.
Si Pacquiao ay tumayong -450 favorite sa una nilang pagtutuos ni Bradley noong 2012 kung saan ginulat ng American fighter ang mga boxing fans mula sa kanyang split decision win.
Sa kanilang rematch noong 2014 ay muling naging paborito si Pacquiao sa -280 at matagumpay na naresbakan si Bradley via unanimous decision.
Nangangahulugan na kapag pumusta ka para kay Pacquiao ng $280 ay mananalo ito ng $100, samantalang sa kanilang rematch ay +240 si Bradley kung saan ang tayang $100 ay mananalo ng $240.
Sa kanilang pangatlong paghaharap sa April 9 sa MGM Grand sa Las Vegas ay muli na namang magi-ging paborito ang 37-an-yos na si Pacquiao laban sa 32-anyos na si Bradley.
Sa Lootmeister.com, isang online betting station na nasa negosyo na simula noong 1998, ay nasa -320 paborito ang Filipino superstar kumpara sa +240 ni Bradley.
Sinasabing ito na ang magiging pinakahuling laban ni Pacquiao, ngunit ito ay magiging depende sa resulta ng kanyang ‘trilogy’ kay Bradley at ang kahihinatnan ng Phi-lippine elections sa Mayo.
Tangan ni Pacquiao ang 57-6-2 record kasama ang 38 knockouts, habang bitbit ni Bradley ang 33-1-1 (13 KOs) card at ang nag-iisa niyang talo ay mula kay ‘Pacman’.
Sa kanyang edad ay nananatili pa ring popular ang Filipino world eight-division world champion bagama’t naipatalo ang tatlo sa huli niyang 6-laban.
Nakatikim si Pacquiao ng knockout loss kay Juan Manuel Marquez noong 2012 bago manalo kina Bradon Rios, Bradley at Chris Algieri kasunod ang kabiguan kay Floyd Mayweather noong May.
Sa unang pagkakataon sa kanyang career ay sumailalim si Pacquiao sa surgery para ayusin ang torn rotator cuff sa kanyang kanang balikat. (AC)