^

PM Sports

‘Di nakaiskor si Duncan

Pang-masa

MANILA, Philippines – Si Tim Duncan ay nananatiling isa sa pinaka-importanteng player ng Spurs sa edad na 39-gulang bilang maaasahang player at nauunawaan niya na kailangang mag-adjust sa kanyang role dahil sa mga pagbabago sa NBA.

Ngunit nakaranas si Duncan ng ilang statistical lows sa posibleng final season na niya.  Ang una ay nangyari noong November sa kanilang pagkatalo sa New Orleans Pelicans nang hindi siya nakapagrehistro ng rebound sa unang pagkakataon sa kanyang career.

Sa laban kontra sa Houston nitong Sabado, hindi nakaiskor si Duncan.

Matapos mag-miss ng dalawang game dahil sa pamamaga ng kaliwang tuhod, si Duncan ay 0-of-3 mula sa field at wala siyang free throw attempt sa 14 minutong paglalaro. Mayroon siyang 4-rebounds at 2-assists.

Hindi siya lumaro sa huling 17:37 minuto ng laro matapos palitan ni Boris Diaw na naging mitsa ng 22-5 run sa pagtatapos ng third quarter tungo sa 121-103 panalo ng  San Antonio.

Naglista si  LaMarcus Aldridge ng 24 points kasunod ang 22 ni Kawhi Leonard at nagsalpak ang Spurs ng season-high na 13 3-pointers  para sa kanilang ika-20 sunod na panalo sa kanilang balwarte para sa franchise record home start.

vuukle comment

ALDRIDGE

ANG

BORIS DIAW

DUNCAN

KAWHI LEONARD

MATAPOS

MAYROON

NAGLISTA

NEW ORLEANS PELICANS

SAN ANTONIO

SI TIM DUNCAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with