^

PM Sports

Saludar at Parenas kapwa bumagsak sa title fights

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nabigo ang dalawang Filipino boxers na hira­ngin bilang mga world champions sa pagpasok ng taong 2016.

Parehong natalo sina Vic Saludar at Warlito Pa­renas sa kanilang mga world title fights sa Japan.

Nabigo si Saludar na agawin kay Japanese Kosei Tanaka ang suot nitong World Boxing Organiza­tion (WBO) minimumweight belt sa Nagoya.

Pinabagsak ni Tanaka ang dating Filipino amateur standout sa sixth round.

Nauna nang napatumba ni Saludar (11-2-0, 9 KOs) si Tanaka sa fifth round mula sa kanyang ma­tulis na right straight.

Itinigil ni referee Mike Ortega ang laban sa 2:15 minuto ng sixth round makaraang mapatumba ni Tanaka mula sa isang mabigat na body shot.

Ito naman ang unang title defense ng 20-anyos na si Tanaka (6-0-0, 3 KOs) para sa kanyang suot na WBO minimumweight crown.

Sa Tokyo, bumagsak naman si Parenas kay WBO ju­nior bantamweight title holder Naoya Inoue sa se­cond round.

Dalawang beses pinabagsak ni Inoue (9-0-0, 8 KOs) si Parenas (24-7-1, 21 KOs) sa second round bago tuluyang awatin ng referee ang pagrapido ng Japanese sa 1:20 minuto.

Ito ang unang laban ng unbeaten champion ma­tapos ang isang taon bunga ng dislocated right hand sa kanyang huling laban kay Omar Narvaez.

ACIRC

ANG

ITO

JAPANESE KOSEI TANAKA

MIKE ORTEGA

NABIGO

NAOYA INOUE

OMAR NARVAEZ

PARENAS

SA TOKYO

TANAKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with