BOSTON, Philippines – Kumolekta si NBA superstar Kobe Bryant ng 15 points at 11 rebounds para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 112-104 panalo kontra sa Celtics.
Ibinabad si Bryant sa loob ng 33 minuto at itinala ang una niyang double-double para sa kanyang final season.
Ito ang pang-173 career double-double ng 37-anyos na si Bryant na nakatakdang magretiro matapos ang season.
Umiskor naman si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 24 points kasunod ang 19 ni Lou Williams para tapusin ng Los Angeles (6-27) ang kanilang four-game slide.
Pinamunuan ni Isaiah Thomas ang Celtics sa kanyang 24 points kasunod ang 20 ni Evan Turner.
Iniwanan ng Lakers ang Celtics ng 11 sa huling anim na minuto ng fourth period bago nagpakawala ang Boston ng 9-0 atake para makadikit sa 98-100 agwat buhat sa dunk ni Avery Bradley.
Isinalpak naman ni Bryant ang kanyang ikalawang 3-pointer sa final canto para sa 107-102 bentahe ng Lakers sa huling 1:40 minuto.
Sa Dallas, ipinatikim naman ng Mavericks ang ikalawang kabiguan ng nagdedepensang Golden State Warriors ngayong season nang kunin ang 114-91 panalo.