MANILA, Philippines – Ang pagbibigay ng kapana-panabik at dramatikong mga laro ang muling ihahain ng Philippine Superliga (PSL) para sa mga volleyball fans sa 2016.
Ito ang ipinangako ni PSL president Ramon Suzara matapos ang matagumpay nilang 2015 season ng pinakaprestihiyosong inter-club women’s volleyball league sa bansa.
“Making the PSL a family sport entertainent remains our top priority,” wika ni Suzara. “We will make sure to come up with a more balanced field, unpredictable games, high-caliber players and intense action next year. It’s going to be a blast.”
Sa taong 2015 ay gumawa ng ilang innovations ang PSL kung saan nila ipinakilala ang video challenge system.
Ginamit sa mga major tournaments sa buong mundo, ang video challenge system ay isang cutting-edge technology na nagbibigay sa mga coaches ng pagkakataong irebisa ang isang tawag sa pamamagitan ng 25 high-definition cameras installed sa strategic locations.
Ang PSL ang unang club league sa Asia na gumamit ng nasabing P3-million apparatus.
Bukod sa video challenge system, ipinatupad din ng PSL ang paggamit ng skort uniform sa mga official matches.
Ang skort ay kombinasyon ng shorts at skirt na ginagamit sa mga top flight leagues sa Europe.
“We will pick up where we left off,” ani Suzara, chairman din ng development and marketing committee ng Asian Volleyball Confederation (AVC). “We will continue to innovate in terms of uniforms, officiating and branding to further increase the level of volleyball in the country.”
Itutulak din ni Suzara ang pagkakaisa ng lahat ng volleyball stakeholders sa bansa.