^

PM Sports

Mga paborito, nagpasikat

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakapagpasikat ang mga paboritong kalahok matapos masopla  ng ilang dehado na bumulaga sa harapan ng programa.

Ang natitirang apat na karera na sapat para sa pick four betting options ay puro liyamado ang siyang nagsipagwagi.

Sa unang bahagi ng pick four na Handicap-6, ang unang paboritong  Mezzanine na ginabayan ni Kelvin B. Abobo ang siyang nanaig sa pamamagitan ng pagbanderang tapos.

Para  siguruhin ang panalo ay ang coupled  runner nitong Okatokat na ginabayan naman ni J.A. Guce ang dikit na   nasegundo at dikit rin naman na natersero ang second choice  na  Humble Submission na dinala ni Mark A. Alvares, na una nang na banta na agawin ang trangko sa Messanine.

Sa sumunod na Handicap-7 ay ang u­nang paborito ring Epic na muling iginiya ni Val Dilema ang siyang nanalo.

Sa penultimate card na  isang handicap-5 ay hindi rin nabigo ng u­nang paboritong Dixie Wind na pinatakbo ni E.G. Reyes Jr na banderang tapos rin ang pagkakapanalo.

Nagsumikap  rin na makasilat ang second choice na Yani Noh Yana na nilatigo ni M.A. Alvarez pero second honor lang tinapos nito gayundin ang huling pagpaparemate ng imported runner na Aliyana na sinakyan  ni C.S. Pare  Jr., na natersero lang din.

Sa ating huling karera ay namartida ang outstanding favo­rite na  Stand In Awe na si J.B. Hernandez ng gumabay.

Sa unang bahagi ng karera  ay nasa hulihan  ito ngunit pagsungaw sa rekta ay nangunguna na ito matapos lagpasan ang Dowry na inakala rin ng  marami na siya nang mananalo.

Kumuha ng ikatlong puwesto ang dehadong  Jazz Again na sinakyan ni J.L. Paano pero wala na rin itong  puwersa para makasilat pa sa dalawang nauna sa kanya dahil  nga sa may  kalayuan ang kanyang agwat sa mga ito. At naka-break pa  mandin si  Hernandez nang tumawid sa meta.

Ang dalawa pang  paboritong nanalo sa unahan ng line-up ay itong si Lady Of  Diamonds na  naipanalo ng isa pang class-D rider na si E.D. Camañero Jr. at nagwagi  rin ang naging unang paborito nang si Miss Zizou sa isang  handicap-9 nang maungusan niya si Sharpshooter bago ang finish line. (JM)

ACIRC

ANG

DIXIE WIND

HERNANDEZ

HUMBLE SUBMISSION

JAZZ AGAIN

KELVIN B

LADY OF

MARK A

MISS ZIZOU

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with