NEW YORK – Sinuspindi ng NBA si Memphis Grizzlies forward Matt Barnes ng dalawang games without pay nitong Lunes dahil sa “physical altercation” kay Derek Fisher at dahil sa pagbabanta sa New York Knicks noong October.
Inimbestigahan ng liga ang Oct. 3 incident sa Redondo Beach, California sa pagitan nina Barnes at Fisher na dating teammates sa Los Angeles Lakers mula 2010 hanggang 2012.
Katatapos lamang ng Grizzlies ng training camp at ayon sa taong may kinalaman sa sitwasyon na ayaw magpakilala, nangyari ang insidente nang dumalo sa isang salu-salO si Fisher sa bahay ng dating asawa ni Barnes na si Gloria Govan.
Rumesponde ang Redondo Beach police sa insidente noong Oct. 3 ngunit hindi sinabi kung saan ang location o kung sino ang mga sangkot kaya nakitang walang basehan para magsampa ng kaso.
Ang suspension ni Barnes ay magsisimula nitong Martes sa pagsagupa ng Grizzlies sa Miami pati na sa laro sa Sabado sa pagdayo sa Utah.
Nakapahinga ang Grizzlies nitong Lunes matapos ang back-to-back games nitong weekend.
Ang Grizzlies ay nakipag-trade para makuha si Barnes sa draft day noong June. Lumaro si Barnes ng 33 games para sa Grizzlies (17-16) at nag-a-average ng 8.6 points at five rebounds per game.
Si Fisher ay nasa kanyang ikalawang season para sa Knicks matapos gugulin ang kanyang career sa Los Angeles.