PHOENIX – Ikinonekta ni Kyrie Irving ang 3-pointer nang papaubos na ang 21.9 segundong natitira sa laro upang makaligtas ang Cleveland Cavaliers kontra sa Phoenix Suns na lumasap ng kanilang ikalimang sunod na talo, 101-97 noong Lunes ng gabi.
Ang tres ni Brandon Knight ang nagdikit ng iskor sa 96-95 patungo sa huling 1:27 minuto ng laro matapos magmintis si LeBron James ng jumper. Nakapagpasok uli si Knight ng tres ngunit hindi ito na-count dahil sa offensive foul kontra kay Tyson Chandler ng Suns.
Muntik nang mapunta sa kalaban ang bola sa sumunod na posesyon ng Cavs ngunit nakuha kay Irving ang bola at umiskor ng jumper.
Sa kanyang ikaapat na laro sapul nang bumalik mula sa operasyon sa tuhod, pumukol din si Irving ng 12-foot floater para ilagay ang Cleveland sa unahan, 96-92 patungo sa huling 1:44 minuto ng laro.
Umiskor si Irving ng 22 points, si J.R. Smith ay may 17 at nagdagdag si Kevin Love ng 16 para sa Cavs na nakabangon mula sa 2-game losing skid. Umiskor si James ng 14 points matapos malimitahan sa 2-puntos sa fourth quarter.
Umiskor si T.J. Warren ng 23 points para sa Suns na sinibak sina assistant coaches Mike Longabardi at Jerry Sichting. Uma-ngat sa nabakanteng puwesto sina Nate Bjorkgren bilang defensive coordinator habang ang isa pang assistant na si Earl Watson ay umangat sa bench coach position.
Sa San Antonio, umiskor sina Kawhi Leonard ng 17 points at 11 rebounds, nagtala si Boban Marjanovic ng 17 para manatili ang San Antonio na walang talo sa kanilang homecourt matapos igupo ang Minnesota, 101-95.
Pinantayan ng San Antonio ang 1978 Portland Trail Blazers at 1986 Houston Rockets bilang tanging Western Confe-rence teams na nagbukas ng season sa 18-0 sa sari-ling balwarte.
Ang Spurs ay may anim na players na umiskor ng double figures kahit maagang napatalsik sa laro si coach Gregg Popovich.
Na-thrown out si Popovich sa huling 1:13 minuto ng first half bunga ng dalawang technical fouls dahil sa di pagtawag ng foul kay LaMarcus Aldridge.
Dahil nakapahinga si veteran star Tim Duncan bunga ng namamagang kanang tuhod, nangaila-ngan ang Spurs (27-6) ng tulong kay Marjanovic.