MANILA, Philippines – Bubuksan ng BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center), ang pioneering group ng sports clinicians sa bansa, ang bagong taon sa pamamagitan ng pagdaraos ng basketball clinics para sa mga batang basketball players sa tatlong venues simula sa January 9.
Gagawin ang mga Saturday classes ng basketball clinic sa Ateneo College covered courts sa Katipunan, Quezon City at sa Xavier School.
Sa Starmall naman sa Alabang idaraos ang mga Sunday classes simula sa January 10, ayon kay Best Center founder at president Nic Jorge, na isang da-ting national coach na ang grupo ay ginawaran ng Olympism Award ng Philippine Olympic Committee (POC) at isang Hall of Fame awardee ng Philippine Sportswriters Association (PSA).
Ang mga klase na iniaalok sa Ateneo ay para sa Preparatory Levels 1 hanggang 5 mula alas-8:30 hanggang 11:30 ng umaga, habang ang Xavier School clinics ay para sa Preparatory Level 1-3 simula sa ala-1 hanggang alas-4 ng hapon.
Ang Starmall classes ay para sa mga students sa Preparatory Levels 1-3 mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon.