MANILA, Philippines – Ginugol ni tennis star Serena Williams ang taong 2015 sa pagsangga sa mga katanungan kung kaya niyang makumpleto ang Grand Slam.
Alam ni Williams na mahirap itong gawin.
“I wanted it. But ... winning one (major title) is not easy. And then, (when) you have a ‘bounty’ on your head, it’s even harder,” wika ni Williams.
“If you know anything about me, I hate to lose. I’ve always said I hate losing more than I like winning, so that drives me to be the best that I can be,” dagdag pa nito.
Ang 34-anyos na si Williams ang naging unang tennis player sa higit sa quarter-century na nagwagi ng apat na Grand Slam tournaments sa isang season.
Sa botohang ginawa ng mga US editors at news directors, pinili si Williams bilang The Associated Press Female Athlete of the Year sa ikaapat na pagkakataon.
Kumolekta si Williams ng 50 first-place votes at 352 points.
Tinalo niya si Carli Lloyd, ang hat trick sa finals ang gumiya sa US women’s soccer team sa World Cup title, na may 14 first-place votes at 243 points.
Pumangatlo naman si UFC star Ronda Rousey kasunod ang tumalo sa kanyang si Holly Holm at si UConn basketball player Breanna Stewart.
Sinamahan ni Williams, nakamit ang AP awards noong 2002, 2009 at 2013, si Chris Evert bilang four-time honoree.
Ang tanging may pinakamaraming AP selections ay si Babe Didrikson na may anim.
Nakamit ito ni Didrickson sa athletics noong 1932, habang ang lima ay para sa golf noong 1945-1954.