MANILA, Philippines – Pumanaw na si American legendary coach Ron Jacobs ilang oras bago sumapit ang Pasko sa isang ospital sa Makati City.
Siya ay 72-anyos at magdiriwang sana ng kanyang kaarawan bukas.
Matapos magkaroon ng stroke noong 2002 habang inihahanda ang Philippine team para sa pagsabak sa Asian Games sa Busan, South Korea ay naratay na sa kama si Jacobs.
Naging head coach si Jacobs ng Philippine team simula noong 1981 hanggang 1986 kung saan niya nahawakan sina Allan Caidic, Samboy Lim, Hector Calma at sina naturalized players Chip Engelland, Jeff Moore at Dennis Still.
Tinulungan niya ang NCC sa paghahari noong 1981 Jones Cup bago talunin ang China sa finals sa sumunod na taon na idinaos sa Smart Araneta Coliseum.