LARO NGAYON
(Mall of Asia Arena)
3 p.m. Rain or Shine
vs Blackwater
5:15 p.m. Talk ‘N Text vs NLEX
MANILA, Philippines – Hindi ito ang regalong inaasahan ng Barako Bull sa Araw ng Pasko.
Nagposte si scoring guard Terrence Romeo ng game-high na 33 points, 9 rebounds at 5 assists para pangunahan ang No. 5 Globalport Batang Pier sa 94-85 pagpapatalsik sa No. 8 Energy sa quarterfinal round ng 2015-2016 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagdagdag si Stanley Pringle ng 15 markers para sa pag-entra ng Batang Pier sa knockout stage.
“Gusto talaga nilang pumasok sa semis,” sabi ni coach Pido Jarencio sa kanyang Globalport, humawak ng ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa Barako Bull. “Hihintayin na lang namin kung sino ang manalo sa Ginebra and Star. Bakbakan sila dun.”
Kasalukuyang naglalaro ang Ginebra at ang Star habang isinusulat ito.
Ang magwawagi sa pagitan ng No. 4 Gin Kings, may bitbit na ‘twice-to-beat’ bonus, at No. 9 Hotshots ang sasagupa sa Batang Pier sa knockout phase na magdedetermina sa maghahamon sa No. 1 Alaska Aces sa semifinals series.
Hindi naging madali ang tagumpay ng Globalport sa Barako Bull
Kinailangang bumangon ng Batang Pier mula sa seven-point deficit, 41-48, sa halftime para iwanan ang Energy mula sa pagtatala ng 10-point lead, 59-49, sa 6:35 minuto ng third period.
Nakadikit ang Barako Bull sa 73-77 agwat matapos sa 5:36 minuto ng fourth quarter hanggang maghulog ang Globalport ng 10-2 bomba para kunin ang 12-point advantage, 87-75, sa huling 3:33 minuto.
GLOBALPORT 94 -- Romeo 33, Pringle 15, Washington 9, Mamaril 8, Jensen 7, Sumang 6, Yeo 6, Kramer 4, Maierhofer 4, Semerad 2, Hayes 0, Isip 0, Uyloan 0.
Barako Bull 85 -- Wilson 15, Monfort 12, Urbiztondo 12, Intal 11, Pennisi 9, Baracael 8, Brondial 8, Fortuna 4, Lanete 4, Sorongon 2, Caperal 0.
Quarterscores: 21-25; 41-48; 69-64; 94-85.