DENVER -- Matapos ‘di makapag-laro dahil sa namamagang kaliwang balikat, kumamada si Kobe Bryant ng season high na 31 points nang rumesbak ang Los Angeles Lakers mula sa 21-point first-half deficit para balikan ang Denver Nuggets, 111-107.
Nagtala rin si Bryant ng 5 assists at mahusay niyang nadepensahan si Will Barton, umiskor na may 23 points sa first half hanggang malimitahan sa 2 points sa second half.
Noong nakaraang buwan ay iniha-yag ng 37-anyos na si Bryant ang kanyang pagreretiro pagkatapos ng season na ito.
Tangan ang 103-100 abante sa huling 1:23 minuto ng laro, nagsalpak si Bryant ng dalawang free throws kasunod ang isang jumper para selyuhan ang panglimang panalo ng Lakers sa season.
Naglaro ang Nuggets na wala sina Danilo Gallinari (sprained left ankle) at Emmanuel Mudiay (sprained right ankle).
Nagkaroon naman si Gary Harris ng strained right knee ngunit tumapos na may 21 points para sa Denver.
Sa Toronto, naglista si DeMar DeRozan ng 28 points at kumalawit si Bismack Biyombo ng career-high 20 rebounds para ihatid ang Raptors sa 103-99 panalo laban sa Dallas Mavericks.
Nagdagdag si Kyle Lowry ng 17 points, 10 rebounds at 7 assists para sa Toronto, winalis ang kanilang two-game season series ng Dallas habang nag-ambag si Terrence Ross ng 16 points.
Nailapit ni Jeremy Evans ang Mave-ricks sa 99-101 sa huling 11.6 segundo.