^

PM Sports

Krusyal sa Gilas ang homecrowd at ang suwerte sa draw

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung mapipili ang Philippines na isa sa ma-ging host ng tatlong FIBA Olympic qualifying tournaments sa July 4-10 ng susunod na taon, krusyal ang homecrowd at ang ating suwerte sa draw.

Isasagawa ang FIBA ng bagong sistema ng draw sa House of Basketball sa Mies, malapit sa Geneva, Switzerland sa Jan. 26 para matukoy kung saan lalaro ang  18 bansang kalahok na nagnanais na makasama sa 2016 Rio Olympics.  Hahatiin ang 18 countries sa tatlong grupo na my tig-anim na bansa at ang Pilipinas ay maaaring malagay sa Group of Death o Group of Life.

Sa ngayon ay 15 sa 18  bansa ay tukoy na at lima mula sa Europe (Czech Republic, France, Greece, Italy at Serbia), isa mula sa Oceania (New Zealand) at tatlo mula sa Asia  (Philippines, Iran, Japan), Africa (Angola, Senegal, Tunisia) at Americas (Canada, Mexico, Puerto Rico).  Papangalanan ang tatlo pang bansa kasabay ng paghahayag ng FIBA ng tatlong hosts ng Olympic Qualifiers sa Jan. 19.

Naglagay ang FIBA ng tatlo pang additional slots sa Olympic qualifiers para sa mga hosts.  Kung ang host ay kasama na sa 15 seeded countries, ang susunod na highest-placer finisher sa kanilang continent ay aakyat.  Kung ang mapipiling host ay hindi kasama sa 15 seeds, awtomatikong lalaro sila sa qualifiers.  Anim na bansa na lamang ang naglalaban-laban na maging host at ito ay ang Czech Republic (Prague), Germany (Hamburg), Italy (Turin),  Philippines (Manila), Serbia (Belgrade) at 2010 FIBA World Cup host Turkey sa ‘di pa natutukoy na lungsod). Ang Germany at Turkey ay hindi kasama sa 15 seeds.

“Having a sixth man in the stadium is a plus for Gilas,” sabi ni SBP president Manny V. Pangilinan. “And a big plus for Filipino fans and our country.”

Nang mag-host ang Manila ng FIBA Asia Championships noong 2013, umabot ang Philippines sa finals ngunit natalo sa Iran dahil ‘di lumaro ang injured na si naturalized player Marcus Douthit.

Malaking tulong ang mga fans sa Gilas.

Sinabi ni Pangilinan na malaking factor ang ating suwerte sa draw.“

If we’re unlucky, we might get the strong teams like Greece and Serbia,” aniya. “That’s beyond my control draw kumpara sa modified draw.”

Nilinaw ng FIBA na sa pamamagitan ng “modified” draw, kailangang mabalanse ang geographical and quality principles para mahing balanse ang competition.

ACIRC

ANG

ANG GERMANY

ASIA CHAMPIONSHIPS

CZECH REPUBLIC

FIBA

GREECE AND SERBIA

GROUP OF DEATH

GROUP OF LIFE

HOUSE OF BASKETBALL

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with