Kailangang mag-perform ang mga NSAs - Chiz
MANILA, Philippines - Sinabi ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero kahapon na hindi lang dapat puro salita ang mga national sports association (NSA) leaders kungdi kailangan din ng gawa at resulta.
Maraming NSA ang nangangakong magbigay ng maraming medalya sa mga international competitions ngunit hindi naman nila ito natutupad.
Isa-isa ngayong i-evaluate ang mga NSA para malaman kung magkano ang karapat-dapat na ibigay sa kanila na ayuda ng gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC).
May 42 regular NSA members ang Philippine Olympic Committee (POC) na sinusuportahan ng PSC, ang financial arm ng gobyerno na namamahala sa national sports development.
Ang POC ay mayroon ding limang associate member organizations at may special recognition din sa lima pang grupo.
Ang PSC ang namamahala sa partisipasyon ng bansa sa iba’t ibang international competitions tulad ng Southeast Asian Games, Asian Games at iba’t ibang Asian at World Championships para sa iba’t ibang sport.
Ang POC na isang independent body at non-government organization na direktang nasa ilalim ng International Olympic Committee (IOC), ang namamahala naman sa participation ng mga Filipino athletes sa quadrennial Olympics pero ang PSC pa rin ang may malaking gastos sa participation ng mga atleta sa iba’t ibang Olympic qualifying meets.
Ngunit karamihan sa mga NSAs ay hindi na nakakapagdeliber sa mga nagdaang taon na nagresulta ng pagdausdos ng performance ng Pinas sa SEA Games na siyang pinakamababang level ng mga international events na nilalahukan ng Pinas.
Matapos makopo ng Pinas ang overall championship nang i-host ang 2005 SEA Games, wala pang isang taon nang mailuklok si presidential uncle Jose ‘Peping’ Cojuangco bilang POC president kapalit ni Celso Dayrit, pababa nang pababa ang overall finish ng mga Filipino athletes.
Bigatin ang Pinas dati sa SEA Games pero pang-anim na lang ang mga Pinoy sa Thailand (2007), fifth sa Laos (2009), sixth sa Indonesia (2011), seventh sa Myanmar (2013) at sixth uli sa Singapore noong nakaraang taon.
Bukod sa Philippines, ang Thailand, Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Myanmar, Singapore, Timor-Leste at Vietnam ang iba pang kalahok sa SEA Games.
Sa huling Asian Games, tanging si Filipino-Ame-rican BMX rider Daniel Caluag lang ang nakakuha ng gold medal sa Incheon, Korea.
Sa Rio de Janeiro Olympics sa susunod na taon, tanging si Filipino-American Eric Shaun Cray pa lang ang nag-qualify para lumaban sa Men’s 400-meter hurdles sa track and field.
“This goes to show how far we have moved in terms of developing our athletes to equal or near world class standards,” pahayag ni Escudero, isang vice presidential aspirant sa May elections. “NSA leaders should be truthful with their assessment of their chances when they present their programs to the PSC. Only a few NSAs have delivered, if we are to gauge their performance in the past years, most especially in the SEA Games.”
Naghahangad ding makakuha ng slot sa Rio Games sina boxers Clark Bautista, Felix Eumir Marcial at Roger Ladon.
Lalaban din sa iba’t ibang Olympic qualifying meets sina weightlifters Hidilyn Diaz at Nestor Colonia, pole-vaulter EJ Obiena at Caluag.
“Other than them, mukhang wala na tayong chance. We should rally behind these athletes,” Escudero said.
Escudero also said the country should place its hopes on the boxers as they are always the Philippines’ source of pride and joy in the Olympics.
“Marami nga lang nakakapansin ngayon na dati, hirap lang tayong manalo ng gold medal. Pero ngayon, nahihirapan na din tayong mag-qualify. But still, we can bank on these young athletes and hope they satiate our thirst for an Olympic gold,” sabi pa ni Escudero.
- Latest