MANILA, Philippines – Magtatambal sina Kiefer Ravena at Alyssa Valdez, ang dalawa sa pinaka-popular na collegiate athletes sa basketball at volleyball, kasama ang iba pang sikat na sports personalities para sa isang charity volleyball game sa Miyerkules sa The Arena sa San Juan City.
Tinawag na “FASTBR3AK,” makakasama nina Ravena, ang two-time MVP sa UAAP basketball, at Valdez, ang double MVP winner sa UAAP volleyball para sa Ateneo, sina Gretchen Ho, Denden Lazaro, Michelle Gumabao, Charo Soriano at iba pa sa one-day event na naghahangad na makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyong ‘Nona’.
“We want to help them in the spirit of Christmas,” sabi ni Ravena.
Ang iba pang sasali sa event na nakatakda sa alas-2 ng hapon ay sina volley pros Bang Pineda, Jen Reyes, Ella de Jesus, Sue Roces and showbiz personalities Yayo Aguila, Arny Ross, IC Mendoza, Casey de Silva at sportscasters Mozzy Ravena at Miakka Lim.