CHICAGO – Hindi na kailangan ni Andre Drummond na ilarawan ang four-overtime marathon.
“Wow,’’ ani Drummond. “I don’t have any words for that one.’’
Kumolekta si Drummond ng 33 points at 21 rebounds, habang nagdagdag si Reggie Jackson ng 31 points at 13 assists para tulungan ang Detroit Pistons sa 147-144 pagtakas laban sa Bulls.
Umiskor ang Pistons ang unang pitong puntos sa ikaapat na overtime para talunin ang Bulls.
Naidikit ni Jimmy Butler, kumamada ng career-high na 43 points, ang Chicago sa 144-145 agwat matapos isalpak ang kanyang off-balance 3-pointer sa natitirang 4.7 segundo.
Kaagad binigyan ng Bulls ng foul si Jackson na isinalpak ang dalawang free throws para sa three-point lead ng Pistons.
Naimintis naman ni Butler ang kanyang tres sa huling posesyon ng Chicago.
Nagtala si Derrick Rose ng season-best na 34 points mula sa kanyang career-high na 34 field-goal attempts para sa Bulls.
Nagdagdag naman si Pau Gasol ng 30 points, 15 rebounds at 5 blocks.
“We’re expected to win,’’ sabi ni Butler. “Four overtimes, no overtimes. We didn’t do that. Didn’t protect our home floor.’’
Sa Oakland, binawian ng Golden State Warriors ang Milwaukee Bucks, 121-112, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo matapos malasap ang kauna-unahang kabiguan.
Tumipa si Stephen Curry ng 26 points at nakatuwang si Draymond Green sa fourth-quarter run ng Warriors para resbakan ang Bucks.
Nag-ambag si Klay Thompson ng 27 points at humakot si Green ng 21 points, 9 rebounds at 8 assists.
“I’m not satisfied because I thought we should have been better,” ani Green. “We’re a long way past trying to beat the Milwaukee Bucks in December. We’re trying to compete for a championship.”
Natapos ang laro nang nagsasagutan sina Green at O.J. Mayo kung saan inilagay ni Mayo ang kanyang kamay sa ulo ni Green’.
Galit na galit na tinapik ni Green ang kamay ni Mayo.
“No man is going to touch my head,” wika ni Green kay Mayo. “Point blank.”