^

PM Sports

Donaire payag sa rematch laban kay Juarez

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Handa si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. na itaya ang kanyang suot na world super bantamweight crown laban kay Mexican Cesar Juarez sa isang rematch.

Ito ay sa kabila ng ma­tinding pinagdaanan ng 33-anyos na si Donaire ba­go kunin ang unanimous decision win laban sa 24-anyos na si Juarez at angkinin ang bakanteng World Boxing Organization crown noong naka­raang Sabado sa Puerto Ri­co.

“The reason is lahat ng mga tao all around the world, nag-enjoy. So if we could give them another fight, let’s do it,” sabi ni Do­naire sa panayam ng DZMM. “If they make the fight, okay sa akin.”

Posible ring labanan ni Donaire (36-3-0, 23 KOs) si undefeated American boxer Jessie Magdaleno (22-0-0, 16 KOs) maliban kay Juarez (17-4-0, 13 KOs).

Dalawang beses napa­bagsak ni Donaire si Jua­rez sa fourth round bago siya nagkaroon ng left ankle sprain nang matapa­kan ang paa ng referee.

Matapos ang insidente ay hindi na siya nilubayan ni Juarez hanggang sa ika-12 round.

Kaya naman ipinag­ma­malaki ng tubong Talibon, Bohol ang kanyang tagumpay kay Juarez.

“I’m very proud of this belt because it was a hard fight. Hindi lang ‘oh, first round knockout, oh, second round knockout,’” wika ni Donaire.

Ito ang ikalawang pag­kakataon na naisuot ni Do­naire ang WBO super bantamweight belt.

Una itong nakamit ni Donaire nang talunin si Wilfredo Vazquez Jr. no­ong 2012 bago ito naagaw sa kanya ni Guillermo Ri­gondeaux sa sum­unod na taon.

ACIRC

ANG

DONAIRE

FILIPINO FLASH

GUILLERMO RI

ITO

JESSIE MAGDALENO

JUAREZ

MEXICAN CESAR JUAREZ

PUERTO RI

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with