^

PM Sports

Tinapos ang winning streak ng Globalport Talk ‘n Text nagpalakas sa insentibo sa quarters

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagpigil sa four-game winning streak ng Batang Pier ay inilapit naman ng Tropang Texters ang kanilang sarili sa inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.

At ginawa nila ito nang wala si No. 1 overall pick Moala Tautuaa.

Humataw si point guard Jayson Castro ng 25 points at nag-ambag si No. 2 overall selection Troy Rosario ng 19 mar­kers para tulungan ang Talk ‘N Text sa 107-96 paggupo sa Globalport sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Co­liseum.

“We needed to win this game kasi di pa namin alam kung saan kami. Kailangan talaga ‘yung panalong ito. Depending sa laro bukas, we’ll see where we will land,” sabi ni Tropang Texters’ coach Jong Uichico

Ang tinutukoy na laro ni Uichico ay ang mga bak­bakan ng Alaska at Ba­rako Bull ngayong alas-3 ng hapon at ang sal­pukan ng Rain or Shine at NLEX sa alas-5:15 sa Big Dome.

Sa tournament format, ang top two teams ma­tapos ang eliminasyon ay kukuha ng automatic se­mifinals ticket, habang ang magtatapos sa No. 3, 4, 5 at 6 ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 10, 9, 8 at 7 sa quarterfinals.

Makaraang bitbitin ang sa nine-point lead, 53-44, sa halftime ay pina­laki ng Talk ‘N Text ang kanilang bentahe sa 83-69 sa third period.

Tuluyan nang ibinaon ng tropa ni Uichico ang Globalport nang ilista ang 18-point advantage, 92-84, mula sa triple ni Cas­tro sa 8:56 minuto ng fourth quarter.

Binanderahan naman nina Stan­ley Pringle at Terrence Romeo ang Ba­tang Pier sa kanilang tig-24 points kasunod ang 14 ni Joseph Yeo.

TALK ‘N TEXT 107 - Castro 25, Rosario 19, Aban 9, Carey 9, Fonacier 9, Seigle 9, Williams 7, Rosser 6, Reyes R. 6, Reyes J. 5, Miranda 3, Rodriguez 0.

Globalport 96 - Pringle 24, Romeo 24, Yeo 14, Se­merad 9, Jensen 7, Mamaril 6, Kramer 6, Maierhofer 4, Washington 2, Isip 0, Paniamogan 0, Peña 0, Uyloan 0, Sumang 0.

Quarterscores: 15-22; 53-44; 83-69; 107-96.

ACIRC

ANG

BATANG PIER

BIG DOME

GLOBALPORT

JAYSON CASTRO

JONG UICHICO

JOSEPH YEO

N TEXT

SHY

TROPANG TEXTERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with