BANGKOK – Ikinatuwa ang pagsigla ng sport sa bansa, nangako ang Asian Volleyball Confederation (AVC) ng solidong suporta para sa Philippine volleyball.
“I follow the situation in the Philippines and now I’m happy,” wika ni AVC secretary-general Shanrit Wongprasert sa pagtatapos ng two-day press seminar sa hanay ng 12 bansa.
Ang mga lumahok sa seminar na pinamunuan ni Richard Baker, ang communications director ng International Volleyball Federation (FIVB), ay ang mga press people mula sa Pilipinas, Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, South Korea, Japan, China, Hong Kong, Iran, Qatar at Kazakhstan.
Ang seminar ay naisip ni Ramon Suzara ng Pilipinas na muling nahalal na chairman ng AVC marketing and development committee bukod pa sa pagiging FIVB board member.
Tinutukan sa seminar ang kahalagahan ng media sa pagpapalakas sa volleyball.
Alam ni Wongprasert ang nangyayari sa Philippine volleyball at pinuri ang kauna-unahang professional club tournament na Philippine Super Liga (PSL).