BOSTON – Sinabi ni Cleveland Cavaliers coach David Blatt na gusto lamang niyang ingatan si point guard Kyrie Irving kaya hindi niya ito ginamit laban sa Celtics.
Ayon kay Blatt, hindi pa 100 percent si Irving at gusto niyang paglaruin ang All-Star guard kasama si shooting guard Iman Shumpert kapag sila ay handang-handa na.
Nabalian si Irving ng left kneecap sa nakaraang NBA Finals kontra sa Golden State Warriors at hindi pa naglalaro matapos ang nasabing insidente.
Nagkaroon naman si Shumpert ng right wrist injury bago ang training camp ngunit ginawa ang kanyang season debut laban sa Orlando Magic noong Biyernes.