MANILA, Philippines – Nahaharap si undisputed featherweight champion Conor McGregor sa isang six-month medical suspension matapos ang kanyang panalo kay José Aldo sa UFC 194 noong nakaraang Linggo.
Nagkaroon si “The Notorious” ng left wrist injury, ang parehong kamay na tumapos sa six-year title reign ni Aldo sa unang 13 segundo.
Ang nasabing panalo ni McGregor ang pinakamabilis na knockout sa UFC title fight history.
Kakailanganin ni McGregor ng x-ray sa kanyang left wrist.
Kung ito ay magiging positibo sa anumang pinsala ay dapat kumuha si McGregor ng doctor’s clearance.
Sakaling hindi siya makakuha nito ay hindi siya makakalaban hanggang Hunyo ng 2016.
Ang co-main event fighters na sina Luke Rockhold at Chris Weidman ay may kapareho ring suspensyon kagaya ng Irishman.