MANILA, Philippines – Tatanggap ang dalawang miyembro ng Philippine National Boxing team under the Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ng Asian Boxing Confederation (ASBC), ang continental fe-deration for boxing na sina Rogen Ladon, Criz Sander Laurente para sa kanilang mga karangalan sa 2015.
Ito ang inihayag ni ASBC Executive Director Bagdaulet Turekhanov sa kanyang email sa ABAP mula sa ASBC headquarters sa Almaty, Kazakhstan.
Nakamit ng 22-anyos na si Ladon ng Bago, Negros Occidental ang silver medal sa Asian Championships sa Bangkok, Thailand kasunod ang bronze medal sa World Championships sa Doha, Qatar.
Minalas na makakuha si Ladon ng tiket para sa Rio de Janeiro Olympics sa nasabing qualifying tournament.
Sumuntok naman ang 15-anyos na si Laurente ng General Santos City, itinaas ng ABAP sa national pool mula sa kanilang talent discovery program, ng silver sa Asian Junior Boxing Championships sa Tashkent, Uzbekistan noong Hunyo.
Nakuha sana niya ang gold medal kundi lamang sumakit ang kanyang tiyan sa kaagahan ng torneo.
Lumaban siya sa quarters hanggang sa semis bago tuluyang nanghina sa finals kung saan siya umatras pagdating sa gold medal bout.
Ikinatuwa naman ni ABAP President Ricky Vargas ang balita ng ASBC at pinuri ang dalawang boxers pati na ang ABAP coaching staff.