OKLAHOMA CITY, Philippines -- Humakot si forward Kevin Durant ng 25 points, 12 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-pitong career triple-double para pa-ngunahan ang Thunder sa 107-94 paggupo sa Atlanta Hawks.
Nagdagdag si guard Russell Westbrook ng 23 points at 10 assists.
Ito ang ikalawang pagkakataon na naglista sina Durant at Westbrook ng 10 assists sa isang laro.
Ang huling assists ni Durant ay para kay Westbrook na bumitaw ng 3-pointer nito sa huling 1:14 minuto ng laro.
Kumolekta naman si Serge Ibaka ng season-high na 23 points at 10 rebounds para sa ikatlong sunod na panalo ng Thunder.
Pinamunuan ni Kent Bazemore ang Atlanta sa kanyang 22 points kasunod ang 18 ni Jeff Teague, 12 ni Kyle Korver at 11 ni Thabo Sefolosha.
Sa Chicago, umiskor si Pau Gasol ng 24 points para tulungan ang Bulls sa 83-80 panalo laban sa Los Angeles Clippers at tapusin ang kanilang three-game losing skid.
Kumawala ang Bulls sa third quarter nang masibak sa laro si Clippers Al-Star Blake Griffin dahil sa kanyang hard foul kay Taj Gibson.
Tumapos si Jimmy Butler na may 14 points makaraang tumipa ng career-high na 36 points sa kanilang laro laban sa Boston Cetlics.
Iniskor naman ni Derrick Rose ang lahat ng kanyang 11 points sa se-cond half, habang may 12 markers si Gibson.
Pinamunuan ni Griffin ang Clippers sa kanyang 18 points, habang may 12 markers si Chris Paul at naimintis ang kanyang 3-point attempt na nagtabla sana sa laro.