TORONTO – Umiskor si DeMar DeRozan ng 28 points at nagdagdag si Kyle Lowry ng 19-puntos nang putulin ng Toronto Raptors ang four-game winning streak ng San Antonio Spurs’ sa pamamagitan ng 97-94 panalo nitong Miyerkules.
Tumapos si Luis Scola ng 16 points para sa Toronto na hindi naghabol upang ipalasap sa San Antonio ang kanilang ikatlong talo lamang sa 18-games.
Tumaps si Manu Ginobili ng 17 points mula sa bench para sa Spurs na nakakuha rin ng 13 points mula kay LaMarcus Aldridge.
Pumukol si Danny Green ng 3-pointer matapos ang time-out para maging three-point game na lamang sa huling 2:47 minuto ng laro, ngunit dumakdak si Bismack Biyombo para ibalik ang Raptors sa 5-puntos na kalamangan.
Pinaliit ni Kawhi Leonard sa tatlo ang layo ng kalaban sa kanyang follow-up basket ngunit nagawang ubusin ng Toronto ang oras.
Sa Auburnhills, Mi-chigan, tumira si Matt Barnes ng desperation 3-pointer malapit sa midcourt sa huling 1.1 segundo ng laro upang iahon ang Memphis kontra sa Detroit, 93-92.
Nagmintis si Marcus Morris sa huling 7-segundo ng laro na sana ay nagbigay ng panalo sa Pistons at ang tip-in ni Andre Drummond ay tumalbog sa rim.
Nakuha ng Grizzlies ang bola na napunta kay Barnes na nagpakawala ng running, two-handed shot sa pagtawid sa halfcourt na pumasok para tumahimik ang Palace crowd habang nagdiriwang ang mga players ng Memphis.
Nagmintis uli ang isang mahirap na tira si Morris sa pagtunog ng buzzer at nalasap ng Pistons ang kanilang ikalawang sunod na talo matapos ang four-game winning streak.
Pinangunahan ni Zach Randolph ang Memphis sa kanyang 21 points at 16 rebounds habang nagdagdag si Marc Gasol ng 19 points at 12 rebounds.
Tumapos si Drummond ng 18 points at 19 rebounds para sa Pistons habang si Reggie Jackson ay nagdagdag ng 18 points at seven assists.