MANILA, Philippines – Si Businessman/sportsman Manny V. Pangilinan pa rin ang magsisilbing presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ng hindi bababa sa apat na buwan matapos magkasundo ang SBP board na iurong ang kanilang election of officers mula January, sa April dahil ito ang pinakapraktikal na dapat gawin.
Sa pagpupulong noong Miyerkules sa PLDT office sa Makati, inaprubahan ng SBP board ang election postponement para hindi rin makaapekto sa preparasyon sa pagho-host ng isa sa tatlong Olympic world qualifier sa July kung mapipili ang SBP na isa sa mga host.
Bababa na sana sa puwesto si Pangilinan at pito pang opisyal noong January ngunit nagdesis-yon ang board na i-postpone ang January election para magkaroon ng sabay na election sa April. Matatapos na rin ang dalawang term ng mga board members sa April.
“Even then MVP offered to leave his position vacant (from January to April) because he’s sensitive to allegation that he’s hanging on to his position. But the ‘so-called rebel group’ themselves asked MVP to stay on,” ayon sa source. “In a way, this group extended their stay in the board.”
Si Ricky Vargas, Bernie Atienza, Pete Alfaro, Danny Soria, Fr. Paul de Vera, Nick Jorge at Raul Alcoseba ang pito pang SBP board members na magsisilbi bilang holdover capacity.
Sina Chairman Oscar Moreno, Jay Adalem, Ro-bert Uy, Vivian Manila at Rey Gamboa, meanwhile ay hanggang April pa.
Pagsapit ng June, 13 bagong mukha na ang uupo sa board kasama ang 12 holdovers na kabibila-ngan nina PBA representatives Robert Non and Chito Narvasa at Erick Arejola ng PBA D-League.
Magmumula sa bagong board of trustees ang bagong SBP president.
Sa ilalim ng SBP by-laws, hindi na puwedeng tumakbo uli si Pangilinan.
Ang susunod na SBP board meeting ay sa Jan. 29 kung saan mag-uulat ang kasalukuyang liderato ng resulta ng FIBA executive board meeting sa Geneva sa Jan. 19.
Magdedesisyon ang FIBA kung sinu-sino ang mga bansang magho-host ng tatlong Olympic world qualifying tourney sa gaganaping draw.
Ang Philippines at limang European countries ang mga kandidatong mag-host sa July 4-10 Olympic qualifiers.