^

PM Sports

Ivanovic pumukaw ng pansin

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinapos ng Philippine Mavericks ang kanilang kampanya sa harap ng mga Pinoy sa pamamagitan ng 25-24 panalo sa Indian Aces, 25-24 sa pagsasara ng Manila leg ng International Premier Tennis League (IPTL) kamakalawa sa Mall of Asia Arena.

Naungusan ni Milos Raonic si 14-time Grand Slam champion Rafael Nadal sa final match  upang iselyo ang panalo ng Mave-ricks na tumapos ng kanilang kampanya sa Manila leg na walang talo.

Lumamang ang Aces matapos ang panalo sa mixed doubles nina Rohan Bopanna at Sania Mirza na tumalo kina Filipino-American star Treat Huey at world No. 1 Serena Williams, 6-3.

Bumawi si Williams sa women’s singles nang kanyang igupo si Samathan Stosur, 6-3 bago talunin ni Roanic ang crowd favorite na si Nadal  6-5,  upang iselyo ang panalo ng Mavericks.

Pumukaw naman ng atensiyon ang Serbian beauty na si Ana Ivanovic na nakaligtas kay Karolina Pliskova, 6-5 upang ihatid ang UAE Ro-yals sa panalo kontra sa Singapore Slammers, 26-23.

Ang IPTL na nagsimula noong December 2 sa Kobe, Japan ay tutulak na ng New Delhi para sa third leg na magsisimula ngayon.

ANA IVANOVIC

ANG

GRAND SLAM

INDIAN ACES

INTERNATIONAL PREMIER TENNIS LEAGUE

KAROLINA PLISKOVA

MALL OF ASIA ARENA

MILOS RAONIC

NEW DELHI

PHILIPPINE MAVERICKS

RAFAEL NADAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with