Siguradong marami na ang nasasabik malaman kung sino ang pipiliin ni Manny Pacquiao sa pagitan nina Timothy Bradley Jr., Terence Crawford at Amir Khan sa kanyang pinakahuling laban bago ito pumalaot sa kanyang laban sa political arena. Wala na sa equation si Floyd Mayweather Jr. matapos itong magretiro. Mariin din niyang sinabi na hindi na niya kailangang labanan si Pacquiao.
Himayin natin isa-isa ang tatlong boksingero.
TIMOTHY BRADLEY JR. - Marami ang may gusto ng Bradley-Pacquiao Part 3. Tabla ang kanilang head-to-head sa 1-1. Si Bradley ang may hawak ng WBO welterweight title, ang titulong isinuko ni Pacquiao kay Mayweather na binakante naman ang naturang korona.
Matapos manalo kina Ruslan Provodnikov at Juan Manuel Marquez, kasama ang dominanteng TKO kontra kay Brandon Rios noong nakaraang buwan, si Bradley ang pinaka-logical choice ni Pacquiao Kaya lang baka hindi na magkainteres ang mga tao na panoorin ang Pacquiao Bradley Fight dahil sa mata ng marami na panalo si Pacquiao sa kanilang dalawang paghaharap.
Terence Crawford - Matapos dominahin ang light welterweight division, ang 28-gulang na si Crawford ay kinokonsidera na ngayon bilang isa sa best pound-for-pound boxers sa buong mundo. Taglay niya ang 27-0 career record at sinasabing magiging exciting ang Crawford vs. Pacquiao. Maraming kilalang boxer ang nagsasabing kayang talunin ni Crawford si Pacquiao.
Amir Khan - Matagal nang naghahanap ng mala-king laban si Khan at para makakuha ng magandang laban, limang sunod na panalo na ang kanyang naitala. Ang huling panalo ni Khan ay laban kay Chris Algieri, na tinalo din ni Pacquiao bago natalo kay Mayweather.