Tennis superstar Nadal pinagkaguluhan

MANILA, Philippines – Tahimik na hinintay ng mga fans na nagtiis ng ilang oras para masilayan si tennis superstar Rafa Nadal sa mainit na Colegio de San Agustin Gym.

At nang siya ay duma-ting ay biglang nagkagulo sa venue. narito na ang tinaguriang ‘King of Clay’.

Sa pagpasok ni Nadal sa gusali ay nagtungo siya sa isang air-conditioned room kung saan siya nagpahinga ng sandali bago dumiretso sa isang maikling press conference.

Sinabi ni Nadal, nasa bansa para maglaro sa International Premier Tennis League sa koponang Indian Aces, sa mediamen na balak niyang magtayo ng isang tennis school na ipapangalan sa kanya para maturuan ang mga batang Pinoy.

“Sometimes life is not important to have people to have you. To be an example to everybody. Just to help a little bit. To help and work and give opportunities to the kids,” wika ni Nadal sa briefing na idinaos ng Globe.

Nakipaglaro si Nadal, isa sa greatest players na naglaro sa clay, kasama ang kanyang uncle na si Tony Nadal, sa ilang napiling kabataan mula sa iba’t ibang eskuwelahan, kabilang dito ang fast-rising age-grouper na si Rafaella Villanueva na ipinangalan sa Spanish champion.

Show comments