^

PM Sports

‘Di madali ang daan sa ika-2 sunod na Milo Marathon title ni Poliquit

Russel Cadayona - Pang-masa

ANGELES, PAMPANGA, Philippines – Bagama’t kumpiyansa siyang makakamit ang kanyang ikalawang sunod na korona, hindi naman ito nakuha ni Raphael Poliquit sa madaling paraan.

Kinailangan ni Poliquit na maging matatag sa hu-ling bahagi ng karera para makalamang sa huling 200 metro ng 42-Kilometer race para muling pagharian sa ikalawang sunod na pagkakataon ang National Finals ng 39th Milo Marathon kahapon dito.

“Talagang inisip ko lang na kailangan kong manalo kahit medyo mabigat na ‘yung sapatos ko at madulas ang kalsada dahil sa nangyaring pag-ulan,” wika ng 26-anyos na si Poliquit.

Nagsumite ang tubong Tagum City, Davao Del Norte ng oras na 02:36:12 para iwanan sina Juneil Languido (02:36:21) at Maclin Sadia (02:37:43).

“Parang lahat ng paghihirap mo sa training, alam mong may patutunguhan,” sabi ni Poliquit na nagbulsa ng premyong P300,000. “Hindi ko maipaliwanag ang feeling ko sa pagiging back-to-back Milo Natio-nal Finals champion ko.”

Kung mabibigyan pa ng malakas na pangangatawan ay hangad ni Poliquit na maduplika ang pagiging five-time Milo Marathon King ni Eduardo Buenavista.

“Siyempre, malaking honor na ma-duplicate mo ‘yung ginawa ni Vertek,” sambit ni Poliquit sa kanyang iniidolong si Buenavista na tinalo niya sa National Finals noong nakaraang taon.

Nagbunga din ang sakripisyo at paghihirap ni Mary Joy Tabal nang hirangin bilang kauna-unahang woman runner na nakakuha ng ‘Grand Slam’ matapos muling magreyna sa pangatlong sunod na taon. Kaya naman nang tumawid sa finish line ay hindi na napigilan ng 27-anyos na Cebuana runner na mapaiyak dahil sa sobrang kasiyahan.

“Sobrang saya ko nang mag-cross ako ng finish line. Naiyak pa nga ako eh kasi sobrang pressure ang naramdaman ko before the race,” wika ni Tabal.“Ito na ‘yung resulta ng paghihirap ko sa training.”

Nagposte si Tabal ng tiyempong 02:48:24 para ta-lunin sina Mary Grace Delos Santos (03:02:21) at two-time National Finals queen Cristabel Martes (03:02:29).

Ang tanging nakauna kay Tabal ay si Kenyan runner Elizabeth Rumokol (02:43:45) na nagwagi sa Open category.

“Nakauna ako sa kanya (Rumakol) sa unang ikutan kasi may mga kasabay akong mga lalaki at hindi niya ako nakita,” kuwento ni Tabal. “Pero sa Kilometer 27 nakita niya ako kaya talagang kinuha niya ang lead sa akin.”

“Kaya ko naman pero dahil sa ulan parang bumigat ‘yung sapatos ko at nagkaroon din ng epekto sa pha-sing ko,” dagdag pa nito.

Sa kanilang pagiging Milo Marathon King at Queen ay mabibigyan sina Poliquit at Tabal ng tsansang makasali sa bigating Boston Marathon sa susunod na taon.

ACIRC

ANG

BOSTON MARATHON

CRISTABEL MARTES

DAVAO DEL NORTE

EDUARDO BUENAVISTA

ELIZABETH RUMOKOL

MILO MARATHON KING

NATIONAL FINALS

POLIQUIT

TABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with