MANILA, Philippines – Hindi dapat bale-walain ang kakayahan ng Philippine Army.
Nangako si Army coach Kungfu Reyes na babalikan ang PLDT Home Ultera matapos isuko ang 25-16, 25-20, 24-26, 27-29, 18-16 kabiguan sa Game One ng kanilang Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Conference title showdown noong nakaraang linggo sa The Arena sa San Juan City.
Sinabi ni Reyes na ang breaks of the game ang isa sa mga dahilan ng kanilang pagkatalo sa Game One.
“Breaks of the game,” wika ni Reyes, iginiya ang Lady Troopers sa six-win start bago nalasap ang kauna-una-han nilang pagkatalo sa komperensya. “We had so many chances but we just couldn’t cash in on our opportunities.”
Bagama’t naglaro nang walang imports ay naging agresibo pa rin ang Army laban sa PLDT sa unang dalawang sets.
Nalimitahan nila sina imports Sareea Freeman at Victoria Hurtt sa pinagsamang 13 hits, ngunit nabigo naman ang Lady Troopers na pigilan si Alyssa Valdez na bumandera sa sumunod na tatlong sets kung saan iniupo ni coach Roger Gorayeb ang dala-wang dating US NCAA Division I standouts.
Humataw si Valdez ng 25 points kasama ang 22 kills para ihatid sa panalo ang Ultrafast Hitter.
“She was relentless. We have to find a way to slow her down,” sabi ni Reyes kay Valdez.