^

PM Sports

Golden State dumiretso sa 20-0

Pang-masa

CHARLOTTE, North Carolina – Biniro ni Charlotte Hornets broadcaster Dell Curry ang kanyang anak na si Stephen Curry bago ang laro ng Hornets at ng nagdedepensang Golden State Warriors.

Nakiusap si Dell Curry na huwag sirain ni Stephen Curry ang kanyang espesyal na gabi.

Ngunit hindi ito pinansin ni Stephen Curry.

Kumamada ang reigning NBA MVP ng 40 points sa tatlong quarters at giniba ng Warriors ang Hornets, 116-99 para palawigin ang kanilang best start sa NBA history sa 20-0.

“It was a cool atmos-phere to play in, especially on top of my dad’s ceremony,” sabi ni Stephen Curry. “It was nice to be out there at halftime and hear his speech and stand with my mom, my sister, my aunts and my grandma. It was a good night. I can’t ask for more. To play like I did and get the win was special.”

Sa gabi kung saan ibinigay ng Hornets kay Dell Curry, ang career scoring leader ng prangkisa, ang susi ng “Buzz City” ay inagaw ng kanyang panganay na anak ang eksena nang tumipa ng 14-of-18 fieldgoal shooting at 8-for-11 sa 3-point range.

Kumolekta si Stephen Curry, lumaki sa Charlotte at naglaro para sa Davidson College, ng 28 points sa third quarter, kasama dito ang hu-ling 24 points ng Warriors.

Matapos tulungan ang Golden State sa paglilista ng 21-point lead ay ipinahinga na si Stephen Curry sa fourth quarter.

Humugot naman si Klay Thompson ng 15 sa kanyang 21 points sa first quarter kung saan agad itinayo ng Golden state ang 15-point lead.

Pinangunahan ni Nicolas Batum ang Hornets sa kanyang 17 points at 8 rebounds.

Ito ang ikaapat na pagkakataon ngayong season na umiskor si Curry ng 40 points sa pagtatapos ng third quarter.

Si Curry ay may anim na 40-point games ngayong season.

ACIRC

ANG

BUZZ CITY

CHARLOTTE HORNETS

CURRY

DAVIDSON COLLEGE

DELL CURRY

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

KLAY THOMPSON

STEPHEN CURRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with