MANILA, Philippines – Inaasahang magpapartisipa ang halos 1,500 taekwondo practitioners para sa 2015 MERALCO/MVP National Age Group (free sparring) at PLDT Home ULTERA (poomsae) championships na nakatakda sa Sabado at Linggo sa Ninoy Aquino Stadium.
Sinabi ni Organizing Committee chairman Sung Chon Hong na itatampok sa event ang pag-unlad ng taekwondo sa bansa kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga batang atleta na maipakita ang kanilang talento.
“The participation of youngsters has enabled our organization (PTA) to support the country’s grassroots program,” wika ni Hong.
Ang mga entries sa free sparring competition ay ikakategorya sa Novice at Advance na may tatlong dibisyon sa ilalim ng Juniors, Cadet at Gradeschool (male and female).
Ang poomsae ay bukas lamang para sa mga blackbelt students na lalahok sa Individual, Pair at Team events.
Sa poomsae kilala rin bilang forms, ang isang partisipante ay sumusunod sa isang sistematikong paggalaw sa magkakasabay ng paraan laban sa isang imaginary opponent o multiple opponents.
Ginagamit ang mga kamay at paa at ikinokonekta sa mga techniques kagaya ng blocking, punching, striking, thrusting at kicking.
Ang pagsasanay ng poomsae ay makakatulong sa flexibility at kontrol sa breathing, balance, power, eye focus at mental discipline.