^

PM Sports

Lady Chiefs sinimulan ang pagdedepensa mula sa panalo sa Lady Knights

Pang-masa

MANILA, Philippines – Humugot ng lakas ang Arellano Universi­ty kay CJ Rosario upang patumbahin ang Letran College, 25-18, 25-12, 25-19, para sa inaasam na back-to-back title sa 91st NCAA women’s vol­leyball tournament ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Humataw ang po­wer-spiking na si Ro­sa­rio ng 17 hits na ti­nampukan ng 16 kills pa­ra sa unang panalo ng Lady Chiefs sa torneo kung saan paborito silang muling magreyna sa ikalawang sunod na ta­on.

Ngunit hindi pa ito ini­isip ng Arellano.

“It’s a nice way to start the season but it’s just the first game, there’s more to be done,” wika ni coach Obet Javier.

Nagbigay ng suporta kay Rosario sina Dana Henson, team captain Ria­len Sante, Jovielyn Grace Prado at Shirley Salamagos na nagtala ng 11, tig-9 at 8 points, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naglaro si Men­chie Tubiera dahil sa kanyang injury.

Sa pangunguna nina Rosario at Tubiera, tinalo ng Arellano ang San Sebastian, 25-23, 25-19, 26-24, para angkinin ang kanilang kauna-una­hang NCAA volleyball title noong nakaraang season.

Samantala, bubuk­san ng nagdedepensang Emilio Aguinaldo College ang kanilang kampanya para sa back-to-back title.

Lalabanan ng Gene­rals ang San Beda Red Lions ngayong alas-8 ng umaga.

Babalikating muli ni Howard Mojica ang laban ng EAC na nagpa­bagsak sa St. Benilde, 25-21, 23-25, 25-19, 25-20, sa nakaraang NC­AA sea­son.

ACIRC

ANG

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSI

DANA HENSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HOWARD MOJICA

JOVIELYN GRACE PRADO

LADY CHIEFS

LETRAN COLLEGE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with