NU-BDO, Phoenix sa D-League

MANILA, Philippines – Magbabalik ang Na­tio­nal University-BDO at magpapakila­la ang Phoenix Pet­ro­leum sa 2016 PBA D-League Aspirants Cup.

Makakasama ng NU-BDO ang Phoenix ang pi­to pang koponan sa liga.

Ang mga ito ay ang Foundation Cup cham­pion na Café France, Ra­cal Motors, Tanduay Light, AMA, Mindanao Aguilas, Wangs Basket­ball at Jam Liner na mag­­paparada sa mga pla­yers ng University of the Philippines Fighting Maroons.

Hindi naman sumali ang 2014 Foundation Cup titlist na Hapee, Cebuana Lhuillier at ang Cagayan Valley.

Sa kanilang pagbaba­lik sa PBA D-League ay muling itatampok ng NU-BDO ang mga NU Bull­dogs.

Show comments