MANILA, Philippines – Sina UAAP MVP Kiefer Ravena at Rain or Shine head coach Yeng Guiao ang gagabay sa mga batang kalahok sa Growee Basketball camp.
Inorganisa ng Trizach Events at Ry3byrs Sports sa pangunguna ni coach Randy Alcantara, higit sa 200 dribblers ang sumali sa dalawang yugto ng Growee Basketball Camp kung saan nila nakasama ang mga Gilas Pilipinas players na sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Larry Fonacier ng Talk ‘N Text.
Ang mga nanalo sa Growee 3x3 tournament ay lalaban sa finals sa Disyembre.
Katuwang ng Growee ang Centro, Sta. Lucia Mall, Accel, Sta Lucia Healthcare, Wilson, Tobys, Spenco lifetime Rockman, Prulike UK, Gerrys Grilled, Giligans at Olympic Village Sta Lucia Branch.