Finals seat nakataya sa DLSU-Ateneo game

LARO NGAYON

(Smart Araneta

Coliseum)

10 a.m. – La Salle vs Ateneo (women’s semis)

 

MANILA, Philippines – Pag-aagawan ng No. 2 seed De La Salle at No. 4 Ateneo ang tiket para sa championship series sa kanilang ‘do-or-die’ game ngayong alas-10 ng umaga sa 78th UAAP women’s basketball tournament sa Smart Araneta Co­liseum.

Ang mananalo sa pa­gi­tan ng Lady Eagles at Lady Archers ang maghahamon sa nagdedepensang National University Lady Bulldogs sa best-of-three title series.

Hawak ng Lady Bulldogs ang ‘thrice-to-beat’ advantage sa Finals matapos ang 14-game sweep sa elimination round.

Tinalo ng Ateneo ang UST sa unang step-ladder semifinals

Show comments