^

PM Sports

Boston lalong ibinaon ang Philadelphia

Pang-masa

BOSTON – Humakot si Isaiah Thomas ng 30 points, umiskor si Jae Crowder hit ng go-ahead 3-pointer at naghabol ang Boston Celtics upang igupo ang Philadelphia 84-80 nitong Miyerkules ng gabi upang ipalasap sa 76ers ang kanilang ika-16th sunod na pagkatalo sa season para sa record-tying 26th sunod na kabiguan overall.

Pinantayan ng Philadelphia ang record sa major U.S. professional ng   Tampa Bay Buccaneers  sa NFL noong 1976-77 katulad ng 76ers noong 2013-14. Da-lawang talo na lamang ang kanilang layo sa record ng dating New Jersey Nets’ na may NBA-worst mark na 18 talo para simulan ang season.

Nagdagdag si Evan Turner ng 16 points para sa Boston na naghabol ng 5-puntos sa loob lamang ng natitirang 3-minuto.

Umiskor ang 76ers ng tatlong puntos lamang sa huling 6:13 minuto ng laro.

Pinangunahan ni Jahill Okafor ang 76ers sa kanyang 19 points at may nine rebounds habang si Hollis Thompson ay may 15 points.

Sa Toronto, umiskor si Kyle Lowry ng 27 points, nagdagdag si DeMar DeRozan ng 20 at tinalo ng Raptors ang Cleveland, 103-99 para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Tumapos si LeBron James ng 24 points, walong assists at anim na rebounds para sa Cavaliers na lumasap ng kanilang ikatlong sunod na talo sa road game. Nagdagdag si Kevin Love ng 21 points at 13 rebounds.

Sa Minneapolis, tumapos si Zach LaVine ng 18 points, anim na assists at limang rebounds bilang kapalit ng may injury na si Ricky Rubio para ma-sweep ng  Minnesota ang kanilang season series kontra sa Atlanta matapos ang 99-95.

ANG

BOSTON CELTICS

EVAN TURNER

HOLLIS THOMPSON

ISAIAH THOMAS

JAE CROWDER

JAHILL OKAFOR

KEVIN LOVE

KYLE LOWRY

NAGDAGDAG

POINTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with