Cignal HD Spikers ipinuwersa ang deciding Game 3
MANILA, Philippines – Inunahan agad ng Cignal HD TV ang Air Force upang makaganti sa pamamagitan ng 25-16, 25-17, 25-18 panalo kahapon na nagpuwersa ng deciding Game Three sa Spikers’ Turf Season 1-Reinforced Conference na handog ng PLDT Home Ultera sa The Arena sa San Juan City.
Nanguna sa pag-atake si Edmar Bonono na nagtala ng game-best na 19 hits kabilang ang 15 sa kills nang iselyo ng HD Spikers ang panalo na nagtabla ng kanilang best-of-three title series sa 1-1 panalo-talo na nagtakda ng winner-take-all match sa Dec. 6.
“We were a little lousy in Game One that’s why we made some adjustments in our attacking game, which ended up working well,” sabi ni Cignal coach Michael Carino.
Umiskor naman si Lorenzo Capate, Jr. ng 12 ngunit nakakuha ng magandang performance ang Cignal mula kay Herschel Ramos na nag-ambag ng 11 points matapos ang nakakadismayang four-hit performance sa 15-25, 25-19, 19-25, 19-25 pagkatalo laban sa Air Force sa Game One noong Sabado.
“We knew for us to have a chance, we need to get everybody involved and we did that successfully on this game,” sabi ni Carino.
Nagawa ring pigilan ng HD Spikers ang attacking game ng Air Spikers sa pamamagitan ng kanilang solid net defense.
Matapos ang 17-point performance sa series opener, nawala sa porma si Jeffry Malabanan at tumapos lamang ng 10 points.
Nalimitahan rin ang power-spiking troika nina Rodolfo Labrador, Reyson Fuentes at Ruben Inaudito na tumapos lamang ng pinagsama-samang 18 points matapos ang 34 point performance noong Game One.
- Latest