Heat nakatakas sa hamon ng Sixers
MIAMI — Umiskor si Dwyane Wade ng 27 points at nalampasan ng Miami Heat ang malaking oposisyong ginawa ng wala pang panalong Philadelphia na lumamang ng 17-puntos, upang itakas ang 96-91 panalo nitong Sabado ng gabi.
Umiskor si Hassan Whiteside ng 13 points at nagdagdag ng 9-rebounds at 8-blocks para sa Heat na nagtala ng 19-2 run sa loob ng pitong-minuto sa fourth quarter para agawin ang panalo.
Umiskor si Chris Bosh ng 13 para sa Miami.
Ang Philadelphia ay 0-14 ngayong season — ang ikasiyam na pinakamasamang simula sa NBA history at natalo na ng 24 sunod na laro mula pa noong nakaraang season. Ilan sa mga ito ay pampanalo na tulad ng larong ito ngunit tumiklop ang 76ers sa huling maiinit na minuto ng labanan.
Umiskor si Isaiah Canaan ng 22 puntos para sa Philadelphia at 21 naman kay Robert Covington .
Sa Cleveland, umiskor si Kevin Love ng season-high na 25 points, nagdagdag si LeBron James ng 19 nang igupo ng Cleveland ang Atlanta, 109-97.
Ito ang unang pagkikita ng dalawang koponan sapul nang ma-sweep ng Cavaliers ang Hawks sa Eastern Conference finals patungo sa paghahari ng Cleveland.
Kontrolado na ng Cavs ang laro sa kalagitnaan ng first quarter bago itayo ang 10-point lead na hinatak nila sa 57-40 sa huling bahagi ng first half at ‘di na nakarekober pa ang Hawks.
Napatalsik sa laro si Hawks coach Mike Budenholzer sa second quarter matapos banggain ang isang referee.
Sa San Antonio, Kumamada si Kawhi Leonard ng 19 points, nagtala si Tony Parker ng 18 para putulin ng San Antonio ang 4-game winning streak ng Memphis sa pamamagitan ng 92-82 panalo.
Nagdagdag si Manu Ginobili ng 15 points para sa San Antonio na wala pang talo sa anim na home games.
Nagtala naman si Tim Duncan ng 10 points kabilang ang dalawang running floaters sa lane patungo sa huling 90 segundo upang iselyo ang tagumpay bukod pa sa 10 rebounds.
- Latest