^

PM Sports

Wally at Mandal kumolekta ng ginto sa 13th World Wushu Championships

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinalo nina rookies Divine Wally ng Baguio City at Arnel Mandal ng Ilo­­ilo City ang kanilang mga karibal para angkinin ang gold medal sa 13th World Wushu Championships sa Jakarta, Indonesia.

Dinaig ng 19-anyos na si Wally, isang silver medalist sa 7th Asian Junior Championships at sa 2015 SEA Games, si Vietnamese Luan Thi Hoang para mamayani sa 48kg division at maging unang Filipina na nanalo ng gintong me­­dalya sa event.

Dinaig naman ng 20-anyos na si Mandal si Indian Uchit Sharma para sik­watin ang gold medal sa 52kg category.

Kumuha din si 2014 Asian Games bronze medallist at 2015 SEA Games silver medalist Francisco Solis ng Iloilo City ng tanso sa 65kg class matapos matalo kay 2014 Asian Games champion Hong Xing Kong ng China.

Nakatabla ng Pilipinas sa pang-walong puwesto ang Macau, habang bumandera ang China sa medal table sa nakolektang 14 gold medals kasunod ang Indonesia at Iran na may pito at anim na gintong medalya, ayon sa pagka­kasunod, sa event na nilahukan ng 904 atleta mula sa 76 bansa.

ACIRC

ARNEL MANDAL

ASIAN GAMES

ASIAN JUNIOR CHAMPIONSHIPS

BAGUIO CITY

DINAIG

DIVINE WALLY

FRANCISCO SOLIS

HONG XING KONG

ILOILO CITY

INDIAN UCHIT SHARMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with